Mga estudyante pinagdadala ng payong
MANILA, Philippines - Pinayuhan ng PAGÂASA ang mga estudyante na papasok sa kanilang paaralan na magdala ng payong o anumang uri ng paÂnanggalang sa ulan dahil posibleng ulanin ang bansa ngaÂyong linggo.
Ayon kay Leny Ruiz ng PAGASA, mas mainam na ang magdala ng proteksyon sa kanilang katawan laban sa ulan na maaring mangyari sa mga susunod na araw dulot ng mga isolated rainshower at thunderstorm na nararanasan tuwing hapon.
Sa hapon umano nakikita ang pagsasama-sama ng mga ulap sa papawirin at kung saan ito matapat ay saka magdudulot ng pag-ulan.
Gayunman, nilinaw ni Ruiz na hindi pa sumasapit ang tag-ulan dahil sa mga nararanasang tag-init. Pero malapit na anyang humantong ito sa pag-ulan dulot na rin sa mga senyales tulad ng madalas na pag-ulan at pagkulog.
Una na ring ipinaliwanag ng PAGASA na para magdeklara ng tag-ulan, bukod sa pag-iral ng Habagat, kailangang makapagtala ng 25-millimeter rainfall sa tatlong istasyon ng weather bureau sa loob ng tatlong magkakasunod na araw.
Sa weather outlook ng PAGASA, maaaring magkaroon ng pag-ulan sa Hunyo 4-5 sa Metro Manila posibleng dahil sa Habagat.
Sa kasalukuyan, ang intertropical convergence zone pa rin ang nakakaapekto sa Mindanao. Habang ridge of high pressure naman sa eastern section ang nakakaapekto sa Luzon.
Ang Palawan ay maÂkaÂkaranas ng kaulapan na may mahinang pagkulog-pagkidlat.
Sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ay magiging bahagyang maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.
- Latest