^

Bansa

Walang budget sa pay hike ng guro - Palasyo

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iginiit ng Malacañang na bagama’t nauunawaan nito ang ipinaglalaban ng mga guro para sa dagdag na suweldo ay walang pondo para rito sa ngayon ang gobyerno.

Ito ang naging tugon ni Communications Sec. Herminio Coloma Jr. sa panawagang itaas ang sahod ng mga guro na nakatakdang magsagawa ng kilos-protesta ngayon sa Mendiola sa pangunguna ng Alliance of Concerned Teachers (ACT).

“Nasa gitna na tayo ng taon at naipasa na ‘yung budget na ipinapatupad para sa taong ito, kaya wala pong na-identify na pagkukunan ng pondo ang kanilang hinihingi,” paliwanag ni Coloma.

Maaari anyang pag-aralan ang kahilingang ito ng mga guro sa susunod na taong budget.

Nananawagan naman si Education Sec. Armin Luistro na maging mapag-unawa ang ating mga guro at alalahanin ang kapaka­nan ng milyun-milyong mga kabataan na babalik na sa kanilang pag-aaral.

“At sana po ay patuloy po nilang gampanan ang kanilang mga tungkulin bilang guro nang buong sipag at katapatan na siya pong itinatanghal at ikinararangal ng buong bansang Pilipinas,” wika ng kalihim.

 

ALLIANCE OF CONCERNED TEACHERS

ARMIN LUISTRO

COLOMA

COMMUNICATIONS SEC

EDUCATION SEC

HERMINIO COLOMA JR.

IGINIIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with