Dagdag na airports hingi
MANILA, Philippines - Nanawagan si Iloilo Congressman Jerry Trenas sa pagpapatayo ng bagong mga paliparan dahil sa sobra nang pagsisikip sa Ninoy Aquino International Airport.
Kapuri-puri anya ang plano ng San Miguel Corporation na magtayo ng isang bagong internationalo airport na merong apat na runway para lumaki ang passenger capacity ng NAIA. Idinagdag niya na dapat maisakatuparan ang maraming ganitong Public Private Partnerships (PPP) para sa pagpapagawa ng mas malalaki at higit na sopistikadong mga paliparan.
“Hindi mumurahin ang pagpapatayo ng bagong mga paliparan at mas malalaking runway at magandang solusyon ang pagsangkot ng pribadong sektor sa ganitong proyekto,†sabi pa ng kongresista.
Sinabi rin ni Trenas na kailangang mapagbuti pa ang airport system sa bansa para tugunan ang mabilis na paglago ng ekonomiya na mahihiwatigan sa dumaraming air traffic na kadalasang nagbubunga ng pagsisiksikan at naaantalang mga flight.
Pinuna niya na, bagaman merong apat na terminal ang NAIA kabilang ang old domestic airport, wala namang sapat na runway para sa lumaÂlaking air traffic lalo na kung holiday.
Dapat din anyang maisakatuparan ang plano ng DOTC na magpagawa ng dagdag na mga runway para maibsan ang pagsisikip sa NAIA.
- Latest