Legalidad ng EDCA, kinuwestyon sa SC
MANILA, Philippines - Kinuwestiyon nina dating senador Rene Saguisag, Wigberto Tañada, Atty. Harry Roque at siyam na iba pa sa Supreme Court ang legalidad ng US-RP Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).
Sa 65-pahinang petition for certiorari and prohibition with prayer for a preliminary prohibitory injunction and/or temporary restraining order, nais ng tatlo na ideklarang iligal o labag sa Konstitusyon ang EDCA dahil extension lamang ito ng Mutual Defense Treaty (MDT) ng Amerika at Pilipinas.
Paliwanag ng mga petitioner, wala nang bisa sa ilalim ng 1987 Constitution ang MDT dahil sa probisyong nagsasabi na nire-reject ng Pilipinas ang giyera bilang national policy.
Kontra rin anila sa United Nations Charter ang MDT na nagbabasura sa paggamit ng pwersa bilang paraan sa paglutas ng ‘di pagkakaunawaan.
Kabilang sa respondents sa petisyon sina Executive Sec. Pacquito Ochoa, Defense Sec. Voltaire Gazmin, DFA Sec. Albert Del Rosario, Budget Sec. FloÂrencio Abad at AFP Chief Emmanuel Bautista.
- Latest