^

Bansa

‘Zero-tambay campaign’ inilunsad

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inilunsad kahapon ng militanteng grupong Akbayan-Youth ang   ‘Zero-tambay campaign’ na ang layon ay ibalik sa mga eskuwelahan ang mga kabataang hindi nakapag-aaral o ang tinatawag na Out-of-School Youths (OSY).

Ayon sa grupo, layon ng ‘Zero-tambay campaign’, na maibalik sa mga eskuwelahan ang milyun-milyong kabataan na hindi nakapag-aaral.

Bahagi umano ito ng  Abot-Alam program, nationwide government service na sinimulan noong March 2014 upang matulungan ang 4.2 milyong Pinoy OSY at Community-Based Youth (CBY) na nagkakaedad nang mula 15 hanggang 30.

Layunin din nito na matukoy ang mga OSY at CBY sa lebel ng barangay  at ang programa na binibigay  ng pamahalaan.

Naniniwala  ang pinuno ng National Youth Commission na si Gio Tingson na ang pagtaas ng OSY ay dahil sa mataas na gastos sa pagpapaaral tulad ng patuloy na pagtaas ng matrikula sa mga paaralan.

Kinakailangan na aniyang mabigyan o maisailalim sa formal education  ang mga OSY gaya ng CHED, TESDA, DOLE, at mga pribadong institusyon upang magkaroon sila ng maayos na trabaho o pagkakakitaan.

Ang ‘Zero-tambay campaign’ ay pakikipagtulu­ngan ng Student Council Alliance of the Philippines (SCAP), National Youth Commission (NYC), National Anti-Poverty Commission (NAPC) at Department of Education (DepEd).

COMMUNITY-BASED YOUTH

DEPARTMENT OF EDUCATION

GIO TINGSON

NATIONAL ANTI-POVERTY COMMISSION

NATIONAL YOUTH COMMISSION

OUT-OF-SCHOOL YOUTHS

STUDENT COUNCIL ALLIANCE OF THE PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with