^

Bansa

Final tell-all affidavit ni Napoles sa ‘pork’ handa na

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak ng kampo ng tinaguriang pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles na handa na silang isumite ang kanyang final tell-all affidavit sa pork barrel scam.

Ang desisyon ni Napoles ay kinumpirma ng kanyang abogado na si Atty. Bruce Rivera sa pagsasabing dapat nang gawin ito ni Napoles kasabay ng kabi-kabilang banta sa kanyang buhay.

Nabatid kay Rivera na ang mga banta sa pamamagitan ng text messages ay mula sa mga taong nais pigilin na isiwalat ang katotohanan. Tumanggi naman si Rivera na ibun­yag ang mga pangalan ng mga taong kanilang pinaghihinalaan.

Isiniwalat din ni Rivera na ilang kampo ang tumatawag sa kanila at nakikiusap na huwag silang isama sa affidavit at listahan.

Sinabi ni Rivera na kailangan lamang nilang sundin ang deadline na ibinigay sa kanila para maisumite sa Department of Justice at Senate Blue Ribbon Committee.

Matatandaang humi­ngi ng extension ang kampo ni Napoles para sa pagsusumite ng kanilang affidavit matapos umanong makaranas ng pagdurugo bunsod ng kanyang operasyon sa kanyang ovarian tumor.

Ayon kay Rivera, ma­tapos ang affidavit sa P10 bilyon pork barrel scam, aasikasuhin naman nito ang Malampaya fund anomaly.

Sinabi rin ni Rivera na pinaplano nila ang pagsasampa ng kaso laban sa isa pang pahayagan dahil sa paggamit ng private  photo ni Napoles.

 

vuukle comment

AYON

BRUCE RIVERA

DEPARTMENT OF JUSTICE

ISINIWALAT

JANET LIM NAPOLES

NAPOLES

RIVERA

SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with