^

Bansa

Gov. ER dumulog sa SC

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang ibinabang diskuwalipikasyon ng Commission on Elections (Comelec), dumulog naman sa Korte Suprema si Laguna Governor ER Ejercito para mapigilan ito.

Sa 22-pahinang petisyon, hiniling ni Ejercito sa Supreme Court (SC) na magpalabas ng temporary restraining order (TRO), status quo ante order o writ of preliminary injunction sa katwirang may pag-abuso o grave abuse of discretion sa panig ng election body.

Matatandaang sa botong 7-0, tuluyan nang dinisqualify ng Comelec ang gobernador dahil sa sobrang paggastos sa nakaraang halalan.

Paliwanag ng Comelec, umabot umano sa P23.5 milyon ang ginastos ni Ejercito gayong P4.5 milyon lamang ang itinakdang limit ng komisyon.

Ayon kay Comelec Commissioner Sixto Brillantes, may hanggang Lunes, Mayo 26 si Ejercito para makakuha ng paborableng kautusan mula sa SC.

Bukas din anya silang bigyan ito ng hanggang Martes, Mayo 27 dahil ito ang karaniwang araw ng sesyon ng mga mahistrado.

Gayunman, sakaling mabigo ang gobernador sa hirit sa SC, sinabi ni Brillantes na magsusumite na sila ng writ of execution sa Department of the Interior and Local Government at ang pulisya ang magpapatupad nito.

vuukle comment

AYON

BRILLANTES

BUKAS

COMELEC

COMELEC COMMISSIONER SIXTO BRILLANTES

EJERCITO

KORTE SUPREMA

LAGUNA GOVERNOR

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with