POEA: bawal muna ang OFW sa Thailand
MANILA, Philippines - Nagpatupad ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ng temporary suspension sa processing at deployment ng newly-hired Overseas Filipino Workers (OFWs) na patungong Thailand.
Kasunod na rin nang pagtataas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ng crisis alert level 2 (restriction phase) sa Kingdom of Thailand kaugnay nang pagdeklara ng martial law doon dahil sa paglala pa ng civil at political unrest.
“The POEA governing board, in a meeting duly convened, resolved as it is hereby resolved, to impose a temporary suspension on the processing and deployment of newly-hired OFWs bound for Thailand,†nakasaad sa POEA Governing Resolution No. 6 na may petsang Mayo 21.
Sa ilalim ng Crisis Alert Level 2, ang papayagan lamang i-proseso at i-deploy ay ang mga returning OFWs na may existing contracts na sa sangkot na bansa, habang suspendido naman ang processing at deployment ng newly-hired OFWs.
Sa ilalim ng Republic Act No. 10022, na nag-amyenda sa R.A. 8042 o ang Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995, inaawtorisa ang POEA Governing Board, matapos ang konsultasyon sa DFA na magpatupad ng ban sa deployment ng Filipino migrant workers.
- Latest