^

Bansa

Jinggoy bigo sa TRO

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi pinagbigyan ng Korte Suprema ang kahili­ngan ni Senador Jinggoy Estrada na magpalabas ng temporary restraining order (TRO) laban sa pagdinig ng Ombudsman sa kinakaharap na kasong plunder kaugnay sa kontrobersiyal na pork barrel scam.

Sa halip, binigyan ng Kataas-taasang Hukuman ng 10 araw ang Ombudsman, National Bureau of Investigation at Atty. Levito Baligod na maghain ng paliwanag o komento sa petisyon ni Estrada.

Nais munang matukoy ng mga mahistrado ang mga batayan sa pag-usad ng kaso laban sa batang Estrada.

Sa kanyang petisyon, iginiit ni Estrada na ang reklamo laban sa kanya ay bahagi lamang ng pamumulitika sa hangad na siraan ang oposisyon kung saan siya ay kabilang.

Kasama rin sa mga hiniling ni Estrada sa Korte Suprema ay ang atasan nito ang Ombudsman na bigyan siya ng kopya ng mga dokumento na may kinalaman sa kanyang kaso.

Naniniwala ang senador na nilabag ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang sariling Rules of Procedure ng Ombudsman, pati na ang Rule 112 ng Rules of Court at Article 3 ng Konstitusyon nang ipalabas nito ang resolusyon na nagbasura sa hiling ni Estrada na mabigyan siya ng kopya ng mga affidavit hinggil sa kasong plunder na inihain laban sa kanya.

Gayunman, nitong May 8, 2014 ay binigyan na rin ng Ombudsman ng kopya ng mga hinihinging dokumento si Estrada at inatasan ang senador na magsumite ng komento hinggil sa nasabing mga affidavit sa loob ng limang araw.

vuukle comment

ESTRADA

KORTE SUPREMA

LEVITO BALIGOD

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

OMBUDSMAN CONCHITA CARPIO MORALES

RULES OF COURT

RULES OF PROCEDURE

SENADOR JINGGOY ESTRADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with