^

Bansa

100 iskolar mula Leyte pumirma sa kontrata sa SM Foundation

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Malugod na ipinakita ng 100 scholars mula sa Tacloban City at ibang munisipalidad sa Leyte ang kanilang kontrata sa SM Foundation para libreng makapag-aral ng 4-5 taong kurso sa kolehiyo. Ang mga mapalad na estudyante ay mag-aaral sa Leyte Normal University, UP-Tacloban, St. Paul’s School of Law & Accountancy at Eastern Visaya’s State University.

Ang mga scholars na ito ay pawang mga biktima ng Bagyong Yolanda at karamihan sa kanila ay nawalan ng pamilya at nasalanta ang kabuhayan. Isa si Joy Tan Piengco na masuwerteng nabiyayaan ng scholarship at hindi makapaniwalang makakapasok dito dahil wala siyang nakuhang suporta mula sa mga magulang. Abala aniya ang kanyang mga magulang sa pagkukumpuni ng kanilang nawasak na tahanan. Gaya ng iba pang mga estudyante gaya nila Welen Balbuena at Kristoval Bueno, itinutu­ring nilang malaking biyaya sa kanila ang mapagkalooban ng libreng pag-aaral ng SM Foundation dahil isang susi sa tagumpay ng buhay ang makatapos sila ng kanilang pag-aaral.

BAGYONG YOLANDA

EASTERN VISAYA

JOY TAN PIENGCO

KRISTOVAL BUENO

LEYTE NORMAL UNIVERSITY

SCHOOL OF LAW

ST. PAUL

STATE UNIVERSITY

TACLOBAN CITY

WELEN BALBUENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with