^

Bansa

3 eksperto sa PAGASA nagbitiw!

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlo pang tauhan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Admi­nistration (PAGASA) ang nagsipagbitiw sa puwesto para magtrabaho sa abroad.

Una nang nagbitiw noon ang may mahigit 10 tauhan ng PAGASA sa pangunguna ng hepe nitong si Frisco Nilo at weather specialist Na­thaniel Cruz na ngayo’y weather forecaster sa GMA-7.

Sinabi ni Ramon Agustin, presidente ng Philippine Weathermen Employees Association (PWEA), nag-resign sina Bernie de Leon at Ralph Ricahuerta, kap­wa weather forecaster at Ralph Suquila, communications engineer at umalis na noong Linggo dahil pinirata sila ng Qatar Bureau of Meteorology.

Sina de Leon at Ricahuerta ay magsisilbing airport forecaster habang si Suquila ay communications specialist doon.

Sinasabing noong isang taon pa nais mag-resign ng tatlo pero hindi itinuloy dahil pinangakuan ang mga ito ng ahensiya na maibibigay ng kanilang benepisyo.

Pero inabot na ng anim na buwan ay hindi naibibigay ang kanilang hazard pay kaya nagdesisyon ang mga itong lisanin ang trabaho.

Binigyang diin ni Agustin na malaking kawalan ang tatlo sa kanilang hanay. Anya si de Leon ang isa sa mga gumagawa ng rainfall warning system, habang si Ricahuerta naman ay nakadestino sa aviation meteorology service sa NAIA habang si Suquila ay isa sa mga namamahala ng doppler radar at met satellite system.

Anya, may apat pang weathermen ang pina-pirate sa Middle East pero tinanggihan ang alok.

Idinadaing umano ng mga nagbibitiw sa ahen­siya ang mababang sahod at hindi naipagkakaloob na benepisyo sa kabila na ang mga em­­pleado sa mga government owned and con­trolled corpo­ration sa bansa ay sobrang taas ng sahod at milyong halaga pa ang mga benepisyo tulad na lamang sa mga opisyales ng Social Security System.

vuukle comment

ANYA

FRISCO NILO

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMI

MIDDLE EAST

PHILIPPINE ATMOSPHERIC

PHILIPPINE WEATHERMEN EMPLOYEES ASSOCIATION

QATAR BUREAU OF METEOROLOGY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with