^

Bansa

Reporma sa NFA iginiit

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines - Isang samahan ng mga magsasaka at retailer ang nanawagan sa pamahalaan na ireporma at palakasin ang National Food Authority para makatugon ito sa pagkakaroon ng sapat na pagkain sa bawat hapag-kainan ng sambayanang Pilipino at higit itong maging epektibo sa pagbabantay sa seguridad at katatagan ng pagkain sa bansa.

Sinabi ni Alliance of  Filipino Farmers and Retailers Association (AFFRA) President Danilo Garcia na naniniwala silang ang pagpapalakas sa NFA ang higit na kailangan para ganap na masustinihan ang pangangailangan sa butil sa bansa at hindi ang mga panawagan na buwagin ang ahensiya.

Ipinaliwanag pa ng AFFRA na, upang makamit ng NFA ang food security buffer stock requirements ay kailangang suportado ito ng sapat na pondo upang makatiyak na makakatulong ito sa mga magsasaka na maibenta ang mga inaning palay at mapunan ng local farmers ang pangangailangan sa bigas ng bansa para ang  kaunting  kakulangan sa suplay ay maidedepende sa importasyon ng bigas
.

Ayon pa sa AFFRA, dapat hayaang makapagsarili ang NFA sa pagsasagawa ng tungkulin nito sa pagpapatatag sa stabilization function nito nang hindi na ikokomisyon ng Department of Agriculture.

Idiniin ni Garcia na obligasyon at responsibilidad ng pamahalaan na matiyak na may sapat na bigas sa bawat mamamayang Pilipino sa lahat ng oras kaya nararapat anyang magpatuloy ang pagkakaloob ng pamahalaan ng kaukulang subsidy sa NFA upang magbenepisyu dito ang mga magsasaka.

 

AYON

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

FILIPINO FARMERS AND RETAILERS ASSOCIATION

GARCIA

IDINIIN

IPINALIWANAG

NATIONAL FOOD AUTHORITY

PILIPINO

PRESIDENT DANILO GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with