500 sundalo isasabak sa Brigada Eskuwela
MANILA, Philippines - Isasabak ang 500 sundalo ng Philippine Army para tumulong sa Department of Education (DepEd) sa paglilinis at pagkukumpuni ng mga sirang mga eskuwelahan upang ihanda ito sa pagbubukas ng klase sa darating na Hunyo.
Ayon kay Army Spokesman Lt. Col. Noel Detoyato, umpisa sa Lunes (Mayo 19) ay magsisimula na ang 500 sundalo na magkumpuni ng mga sirang pampublikong eskuwelahan sa kabuuang 33 eskuwelahan sa Metro Manila.
“Our soldiers will engage in the school maintenance program particularly in electrical, carpentry and construction works,†ani Detoyato bilang pakikiisa sa Balik Eskuwela Program ng DepEd.
Ang 500 o isang batalyon ng mga sundalo ay magmumula sa Army’s Civil Military Operations Group, Civil Military Operations Battalion at Headquarters and Headquarters Support Group.
Inihayag ni Detoyato ang naturang bilang ng mga sundalo ay hahatiin at idedeploy sa mga public schools sa Muntinlupa City, Taguig City, Makati City, Marikina City, Caloocan City, Pasay City, Quezon City, Pateros at Tondo.
“This is one of the civilian-orchestrated projects that the Army supports as part of its Bayanihan activities. Brigada Eskwela is a nationwide endeavor of the Philippine Army. Army units all over the country are mobilized to help in doing minor repairs, painting and cleaning of the school premisesâ€, ang sabi pa ng opisyal.
- Latest