^

Bansa

Paglaban vs illegal drugs tagumpay- PDEA

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinagmalaki ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mataas na porsi­yento ng kanilang accomplishment sa anti-illegal drug sa unang quarter ng kasalukuyang taon.

Sa ulat ng PDEA, may kabuuang 3,141 anti-illegal drug operations ang kanilang ginawa mula January hanggang March ng kasalukuyang taon, katuwang ang Phillipine National Police at National Bureau of Investigation (NBI).

“This is 36.8 percent more than the operations conducted for the similar interval in 2013.  As a result of increased conduct of operations, the number of drug personalities arrested likewise increased by 7.46 percent from last year’s 2,629 to 2,825 this year,” ayon kay Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr., Director General ng PDEA.

Ang pinakamalaking pagtaas ay naitala sa halaga ng iligal na droga, controlled precursors at  mga kemikal na nasamsam sa 335 percent, mula P312 milyon noong 2013 hanggang P1.3 bilyon noong 2014.

“Compared to the prece­ding year, the increase in the total amount of confiscated dangerous drugs this year trebled owing to the recovered bricks of cocaine in Davao City,” dagdag ni Cacdac.           

Sabi ng opisyal, binigyang tuon anya nito ang pagbuwag sa mga itinuturing na high-value target at pagsasagawa ng mga matinding operasyon upang masugpo ang suplay ng iligal na droga sa bansa.

Sa kahalintulad na mga buwan, 100 drug dens ay binuwag, kumpara sa 31 iligal na pasilidad ang pinatigil noong nakaraang taon. Mas mataas sa 222.58 percent, na nagresulta sa pakakasugpo sa mga one-stop-shop na pasilidad para sa mga drug users kung saan ang droga ay ibinibenta at ginagamit.

Giit ni Cacdac, ang lahat ng ito ay dahil sa patuloy na pakikiisa ng mga law enforcement at government agencies, at ang aktibong suporta at pakikiisa ng publiko para kampanya laban sa iligal na droga.

CACDAC

DAVAO CITY

DIRECTOR GENERAL

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PHILLIPINE NATIONAL POLICE

UNDERSECRETARY ARTURO G

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with