Ping tama na!
MANILA, Philippines - Naniniwala ang mga political analyst na dapat nang itigil ni Rehabilitation Czar Panfilo Lacson ang pagsawsaw nito sa isyu ng pork barrel scam sa katwirang wala namang halaga ang ipinalabas nitong listahan at naglilikha lamang ito ng confusion sa imbestigasyon at distraction sa tunay na isyu na dapat tutukan.
“Walang halaga ang lists, until verified ni Janet Lim Napoles,†pahayag ng batikang political analyst na si Mon Casiple at sa tanong kung dapat na itigil na ang usapin sa Lacson list sinabi nito na “dapat, he only add confusionâ€.
Para kay Casiple dapat isentro na ang imbestigasyon sa pork barrel scam at hindi ito gawing sandata para sa mga kalaban sa pulitika.
Para naman kay UP Prof. Prospero “Popoy†de Vera na bagamat wala itong nakikitang mali sa pagsasapubliko ni Lacson ng kontrobersiyal na listahan dahil na rin sa public interest ay dapat umano ay hindi matigil ito sa paglabas lang ng listahan.
“What is crucial is finding a way to determine the correctness of the info in the lists. If this is not done then the public wil be more confused and the only beneficiaries of this exposes are the corrupt politician & bureaucrats who want to escape prosecution and politicians who want to win in 2016 who will use this issue for their campaign,†pahayag ni Rivera.
Sa panig naman ng Simbahan sinabi ni Archbishop Emeritus Oscar Cruz na nakalulungkot na matagal nang nadiskubre ang anomalya sa pork barrel scam, meron na rin ebidensya ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin umuusad ang imbestigasyon sa iba pang sangkot at paglilitis sa nauna nang nakasuhan.
Ilan sa mga senador na kasama sa listahan ang agad na dumepensa at sinabing hindi nila kilala si Napoles at walang kinalaman sa pork barrel scam. Para sa mga political analyst tama lamang ang naÂging hakbang na ito, hindi rin umano dapat na agad paniwalaan ang listahan ni Lacson na walang kaakibat na ebidensya.
- Latest