El Niño tututukan ng bagong pinuno ng NDRRMC
MANILA, Philippines - Tututukan ng bagong talagang si National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) Executive Director Alexander Pama ang problemang posibleng idulot sa epekto ng nakaambang El Niño phenomenon o panahon ng tagtuyot.
Ayon kay Pama, magtutulong ang mga ahensya ng pamahalaan upang maisagawa ang mga kaukulang hakbang upang mabigyan ng karampatang aksyon kung paano maiibsan ang epekto ng sobrang init ng temperatura.
Si Pama retiradong Navy Chief ay pormal na naupo kahapon sa puwesto matapos namang magbitiw sa puwesto si dating NDRRMC Executive Director Eduardo del Rosario sa ginanap na turn over ceremony sa Camp Aguinaldo. Ang opisyal ay ikatlong NDRRMC Executive Director sa ilalim ng administrasyong Aquino.
Sinabi ni Pama na handa siyang harapin ang hamon ng kaniyang panibagong tungkulin sa ahensya na ang pangunahing misyon ay tugunan ang problema sa kalamidad dulot ng climate change o pagbabago ng panahon.
Isa na rito , ayon sa opisyal ay ang El Niño phenoÂmenon na ibinabala ng weather bureau.
- Latest