P224 M sobrang singil sa text
MANILA, Philippines - Umaabot sa P8 milyon kada araw o katumbas ng P224 milyon kada buwan ang sobrang singil sa text messages mula pa noong 2011 ang dapat isoli ng mga Telecommunications Company (Telcos) sa milÂyun-milyon nitong subscribers sa bansa.
Ayon kay Edgardo Cabarrios, director ng National Telecommunications Commission (NTC) base sa kanilang pagtaya, sa 2 bilyong text messages kada araw na ipinadadala at 10% ay regular text ay nasa 20% ang nagko-cross network, i-multiply ng 20 centavos, lalabas na P8-million bawat araw ang dapat i-refund mula pa noong Disyembre 1, 2011.
Nabatid na magiging madali ang refund para sa aktibong post-paid subscriber na ipinababawas sa buwanang bayarin ang sobrang nasingil.
Sa inactive post-paid subscriber, iminungkahi naman nilang ibigay ang refund sa kostumer sa pamamagitan ng tirahan na nasa dating rekord ng inactive post-paid subscriber.
Sa mga aktibong prepaid subscriber, maaaring mag-refund sa pamamagitan ng pagpapadala ng load subalit problema pa aniya kung papaano ibabalik ang sobrang nasingil sa prepaid user na hindi na aktibo. (Joy Cantos)
- Latest