Multiple treat ng APSDCI sa Mayo 11 dog shows
MANILA, Philippines - Ang mga dog lovers sa metropolis ay mabibigyan ng multiple treat sa pagtatanghal ng Asia Pacific Sporting Dog Club Inc. (APSDCI), isang affiliate ng Asian Kennel Club Union of the Philippines Inc. (AKCUPI) ng ika-5 at ika-6 na International All-Breed Dog Shows sa Linggo, Mayo 11 sa Tiendesitas sa Ortigas Ave., Pasig City.
Bilang pambungad bago ang dog show proper sa ala-1:30 ng hapon ang APSDCI ay naglatag ng mga sumusunod na kaganapan: alas-9 ng umaga ang Audio-visual presentation tungkol sa Animal Rescue at Adoption at Mga Pagmamalupit sa Hayop ng Animal Kingdom Foundation; at storytelling “The Adventures of Bert†tungkol sa isang batang kinamumuhian ang aso; alas-10 ng umaga ang–on the spot “My Dog’s Got TaÂlent†competition (amateur at professional category); dog games para sa owners at kanilang mga aso; at ala- 1 ng hapon ang – Dog-Friendly Fashion – Ethnic Inspired. Ang dog shows ay huhusgahan ng dalawang homegrown judges ng AKCUPI, sina Fe Lanny Alegado at Jester Jo Ongchuan. Si Alegado ay nagbi-breed, nagsasanay at nag-eexhibit at kinakampanya ang ilang breed ng aso hanggang makamtan ang Philippine championships at grand chamÂpionships, lalung lalo na ang Jack Russels at German Shepherd dogs. Si Ong Chuan na nakapahusga na sa international dog shows sa China, South Korea, Myanmar, Malaysia at Hong Kong, ay pinamumunuan ang American Cocker Spaniel Club of the Philippines (ACSCP) at Metropolitan Manila Kennel Club Inc., kapwa AKCUPI affiliates.
Ang dog show are inoorganisa ng APSDCI na kinabibilangan nina Rosa Sy, chairman, Nancy Sia, president, Dinky Ang, vice-president, Jeanie Mendoza, treasurer, at Patricia Carrascoso, Event Committee Head, sa pakikipagtulungan ng Labrador Retrievers Owners Club at ni Willa Tecson ng Pets for Peace. Para sa dagdag na kaalaman, tumawag kina: Patricia Carrascoso+639178173002, AKCUPI (02) 3766597,mag email: [email protected] or bisitahin ang www.akcupi.com.
- Latest