^

Bansa

Ping pangalanan mo ang 2 opisyal - Chiz

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hihilingin ni Sen. Chiz Escudero kay Rehabilitation Czar Panfilo Lacson na pangalanan nito ang dala­wang miyembro ng Gabinete ni Pangulong Aquino­ na nagiging sanhi ng pagtagal ng rehabilitasyon sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda.

Sa isang press conference kahapon, sinabi ni Escu­dero, chairman ng Senate Committee on Finance­ na mas mabuting tukuyin ni Lacson ang dala­wang opis­yal kaysa itago na naman ang mga ito sa pa­ma­ma­gitan ng blind item.

Bagaman at walang kaugnayan sa isyu ng bag­yong Yolanda, matatandaan na hindi rin pinanga­lanan ni Lacson ang mga senador at iba pang opis­yal na sangkot sa pork barrel fund scam na nasa listahang ibinigay sa kanya ng asawa ni Janet Lim-Napoles.

Naniniwala si Escudero na dapat lamang malaman ng mga mamamayan kung sino ang dalawang miyembro ng Gabinete na binabanggit ni Lacson na nagpapasakit ng kanyang ulo at hindi nakikipag­tu­lungan sa kanya.

Tanging si DPWH Sec. Rogelio Singson pa lang ang nagsusumite ng cluster habang kasama sa mga hindi pa nagsusumite ang cluster ni DSWD Dinky Soliman­.

 

CHIZ ESCUDERO

DINKY SOLIMAN

GABINETE

JANET LIM-NAPOLES

LACSON

PANGULONG AQUINO

REHABILITATION CZAR PANFILO LACSON

ROGELIO SINGSON

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with