^

Bansa

GMA abswelto sa fertilizer scam

Gemma Garcia at Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ibinasura ng Office of the Ombudsman ang kasong graft na isinampa laban kay dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo kaugnay ng P78 million fertilizer fund scam.

Ayon kay Atty. Raul Lambino, chief of staff ni CGMA, dinismis ng Ombudsman noong May 2 ang naturang kaso dahil sa kawalan ng matibay na ebidensiya na magdidiin kay GMA.

Matatandaan na sa isinampang reklamo nina dating Solicitor Ge­neral Frank Chavez at iba pang grupo, iginiit ng mga ito na nagamit ang milyun-milyong pondo para sana sa fertilizer para sa mga magsasaka sa 2004 campaign ni GMA.

Sinabi ni Lambino na magkahalong tuwa at lungkot ang reaksyon ni Arroyo sa pagkakabasura ng kanyang kaso.

Natutuwa umano si GMA dahil wala naman talaga siyang kinalaman dito samantalang nalulungkot ito dahil masyadong nagamit sa pulitika ang nasabing kaso.

Anya, ang naturang kaso ay isang political persecution at paglabag sa karapatan ni Ginang Arroyo.

Sa kabila nito umaasa pa rin ang dating pa­ngulo na maibabasura ang iba pang kinakaharap na kaso.

vuukle comment

ANYA

AYON

FRANK CHAVEZ

GINANG ARROYO

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PAMPANGA REP

RAUL LAMBINO

SOLICITOR GE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with