‘Visa-free’ sa Pinoy aprub na sa Japan
MANILA, Philippines - Hindi na mahihirapan pa ang mga Pinoy na pumunta sa Japan matapos na umano’y aprubahan ng Japanese government ang pagbibigay ng “visa-free†entry bilang pribilehiyo sa mga Filipino nationals.
Ayon sa report ni Phl Ambassador to Japan Manolo Lopez, maaari nang mag-travel ang mga Pinoy sa Japan na tinaguriang “land of the rising sun†nang walang hinihinging visa simula sa Hunyo 2014.
Ayon kay Lopez, hinihintay na lamang ng Embahada ng Pilipinas sa Tokyo ang opisyal na abiso ng Japanese government kaugnay sa pribilehiyo para sa mga Pinoy.
Isa ang Japan sa mahigpit na bansa pagdating sa pag-aapruba ng visa applications.
Layunin ng pagbibigay ng visa-free entry ay upang lalong iangat ang ekonomiya ng Japan mula sa inaasahang pagdagsa ng mga turista at mamumuhunan.
Sinabi ni Lopez na simula ng administrasyon ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe noong Disyembre 2012 ay unti-unting umaangat ang kanilang ekonomiya at nais umano nilang mapanatili at mapayabong pa ito sa pamamagitan ng pag-imbita ng mga turista mula Southeast Asia.
Target umano ng Japan na makapagtala ng 20 milyong tourist arrivals sa loob ng anim na taon.
Pinaghahandaan din ng Japan na magisislbing host sa gaganaping 2020 Olympic Games.
- Latest