^

Bansa

Pinay utas sa Mers CoV sa Saudi

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang Pinay nurse na naka-quarantine matapos mag-positibo sa Middle East Respiratory Syndrome-Corona Virus (Mers-CoV) ang umano’y namatay na sa isang ospital sa Saudi Arabia.

Ayon sa report, matapos ang ilang araw na ob­serbasyon sa intensive care unit  (ICU) ng King Fahad Medical City sa Riyadh ay binawian nang buhay ang Pinay na itinago ang pangalan at tubong Negros Occidental dakong alas-11 ng umaga kahapon.

Nagtatrabaho ang Pinay sa naturang ospital at hinihinalang nahawaan ng Mers mula sa ibang mga pasyente. Kinukumpirma naman ng Department of Foreign Affairs ang naturang ulat.

Ipinabatid na umano ng Saudi authorities ang pagkasawi ng Pinay sa kanyang asawa sa Pilipinas at pinapupunta sa Saudi upang maiayos ang pagpapauwi sa mga labi nito sa bansa. May dalawang Pinay ang naunang naitala ng DFA na nasawi sa corona virus sa Middle East.

vuukle comment

AYON

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ISANG PINAY

KING FAHAD MEDICAL CITY

MIDDLE EAST

MIDDLE EAST RESPIRATORY SYNDROME-CORONA VIRUS

NEGROS OCCIDENTAL

PINAY

SAUDI ARABIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with