^

Bansa

Gobyerno wala pa ring master plan sa Yolanda victims

Malou Escudero, Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Wala pa ring master plan ang pamahalaan na gagamitin sa rehabilitasyon para sa mga na­ging biktima ng bagyong Yolanda.

Inamin ni Karen Jimeno, communications director ni Rehabilitation Czar Panfilo Lacson  sa pagdinig kahapon ng joint congressional oversight committees on public expenditures, na hindi pa nagsusumite ng kanilang plano ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno para ipatupad sa mga naapektuhan ni Yolanda.

Maging ang Post-Disaster Needs Assessment (PDNA) report na gaga­wing basehan sa pagbuo ng master plan ay hindi pa rin naaaprubahan ni Pangulong Aquino.

Ayon kay Sen. Chiz Escudero, chairman ng Senate Committee on Finance, lubhang nakakadismaya ang kabagalan ng ilang ahensiya ng gobyerno sa kabila ng ginawang pag-apruba ng multi-billion post-disaster funding ilang buwan na ang nakakaraan.

Pinuna ni Escudero ang kawalan ng “sense of urgency” sa hanay ng mga executive agencies na inatasan para magpatupad ng mga programa sa rehabilitasyon.

Binilisan aniya ng Kongreso ang pag-apruba ng pondo para sa rekonstruksiyon at rehabilitasyon pero hanggang ngayon ay wala pa ring PDNA ang National Disaster Risk Reduction Management Council.

Nakakalungkot aniya na anim na buwan mula ng manalasa ang super bagyo ay hindi pa rin alam ng gobyerno kung ano talaga ang eksaktong kailangan ng mga biktima.

Ibinunyag naman ni Rehabilitation Czar Sec. Panfilo Lacson na mayroong 2 Cabinet member ang sumasabotahe sa rehabilitation plan ng gobyerno para sa mga biktima ng Yolanda sa Visayas.

Tumanggi si Sec. Lacson na pangalanan ang dalawa na sakit umano ng kanyang ulo dahil hindi nakikipagtulungan upang mabilis sana niyang magampanan ang kanyang trabaho.

CHIZ ESCUDERO

KAREN JIMENO

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION MANAGEMENT COUNCIL

PANFILO LACSON

PANGULONG AQUINO

POST-DISASTER NEEDS ASSESSMENT

REHABILITATION CZAR PANFILO LACSON

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with