^

Bansa

‘Zero Rabies’ sa 2020 hangad ng DOH

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hangad ng pamunuan ng Department of Health (DOH) na makamit ang  layunin na ‘zero rabies sa bansa pagsapit ng taong 2020.

Ito’y dahil sa pagpapalakas pa ng kampanya kontra rabies, partikular ang paglalaan ng  mas malaking pondo ng DOH  sa Bureau of Animal Industry (BAI).

Batay sa nilagdaang Memorandum of Agreement (MOA) ng DOH at ng BAI kahapon, nagbigay ang DOH ng P69.5 milyon para palakasin ang kanilang kampanya laban sa rabies sa bansa. Ang pondo ay gagamiting pambili ng bakuna kontra rabies.

Karagdagan din umano ito sa P40 mil­yong budget na inilaan ng Department of Agriculture (DA) para sa naturang anti-rabies program.

Sa kasalukuyan ay mayroon ng 15 lalawigan at munisipalidad sa bansa na deklaradong rabies-free, bagamat nananatili pa rin umano itong seryosong public health problem.

Iniulat ng DOH-National Epidemiology Cen­ter (NEC) na sa Pilipinas ay may 157 recorded rabies deaths noong 2013 at karamihan sa mga ito ay naitala sa CALABARZON (35 cases), Cagayan Valley Region (22), Bicol (21), SOCKSARGEN (19), Davao (16) at National Capital Region (9).

 

BATAY

BUREAU OF ANIMAL INDUSTRY

CAGAYAN VALLEY REGION

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

DEPARTMENT OF HEALTH

MEMORANDUM OF AGREEMENT

NATIONAL CAPITAL REGION

NATIONAL EPIDEMIOLOGY CEN

RABIES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with