Pagbibitiw ng DOLE chief ipapanawagan
MANILA, Philippines - Malamang magkaroon ng panawagan sa pagbibitiw sa puwesto ni Department of Labor and Employment Secretary Rosalinda Baldoz dahil sa umano’y pagpapawalang-sala niya sa ilang mga opisyal nito sa ibayong-dagat na inaakusahan ng mga OFW na gumagawa ng katiwalian.
Ito ang babala ni Gabriela Women’s Party (GWP) Rep. Emmi de Jesus na mariing bumatikos sa pagpapawalang-sala sa naturang mga opisyal na pinagbibintangang nagsasamantala sa mga gipit o distressed na OFW.
Ipinalabas ng GabÂriela ang pahayag nito makaraang masangkot ang mga opisyal ng DOLE sa maluwag na pagtrato sa mga labor official na nakabase sa abroad na naunang inaakusahan ng mga OFW na nagsasamantala sa kanila sa panahon ng kanilang kagipitan at paghingi ng tulong sa Philippine Embassies.
Napaulat na ni-renew ang job contract nina Joselito Atienza, Omar Khalil, at Saleh “Casley†Watamama ng Philippine Overseas Labor Office/Overseas Workers Welfare Administration (POLO/OWWA) sa Kuwait.
Ikinakatwiran ni Labour Attache Cesar Chavez na mas madaling panatilihin ang naturang mga opisyal sa hurisdiksyon ng pamahalaan para sa anumang legal action sa hinaharap.
Kinatigan ni Baldoz ang posisyon ni Chavez kahit meron siyang memo noong Enero na pumigil sa rehiring sa tatlong opisyal. Ito ay dahil sa iba’t ibang reklamo laban sa kanila ng mga OFW tulad ng pagtangging magbigay ng legal help, sex trafficking at sex-for-flight.
Muling napapag-initan si Baldoz noong nakaraang linggo nang aprubahan niya ang desisyon ng ahensiya na ipawalang-sala si Antonio Villafuerte, isang labour attaché sa Riyadh, Saudi Arabia na sangkot sa panggagahasa at sa isyu ng sex-for-flight. Pinatawan lang siya ng reprimand.
- Latest



















