Hirit ni Jinggoy: Malampaya scam imbestigahan na!
MANILA, Philippines - Hiniling ni Sen. Jinggoy Estrada sa Senate Blue Ribbon Committee na simulan na nito ang imbestigasyon sa Malampaya fund scam.
Ayon kay Sen. Estrada, mas malaki ang halagang sangkot sa kickback sa Malampaya fund scam kesa sa naÂging kontrobersyal na pork barrel scam.
Sinabi ni Estrada, ang patuloy na problema sa enerhiya sa energy sector, rotating brownouts hanggang sa mataas na singil sa kuryente ay posibleng pinakamaÂlakas na ebidensiya sa pag-abuso sa Malampaya funds.
Kinuwestyon din ng senador kung ano ang naging batayan ng Office of the Ombudsman sa ibinalik na P40 milyon ni Ruby Tuason na naging basehan para bigyan ng immunity ito.
Ang nasabing halaga ay ‘kickback’ ni Tuason mula sa pondo ng Malampaya sa pakikiÂpagsabwatan umano nito kay Janet Lim Napoles.
Naniniwala si Estrada na mas malaki ang involve na pondo sa Malampaya kumpara sa PDAF scam kung saan ay isinangkot ito at dalawa pang senador.
Una nang inilantad ng senador sa kaniyang privilege speech noong Marso 2014, na pag-aari ni Tuason ang isang “Malampaya Mansion,†house and lot na nasa Dasmariñas Village, Makati City.
“Tinawag po itong ‘Malampaya mansion’ ng mga malalapit kay Mrs. Tuason sapagkat ito ay isa sa mga katas diumano ng kanyang Malampaya kickbacks na sinasabing umabot sa halagang 242 million pesos,†wika pa ni Jinggoy sa kanyang privilege speech.
Maliban dito, itinatag din aniya ni Tuason ang Rubysons Corp., eighty-million peso capitalized corporation na may kinalaman sa micro-business activities at isang high-end jewelry store sa isang mamahaÂling hotel.
Maging ang iba pang real estate properÂties nito na nasa Las Vegas Country Club (P6.3 million), isa din sa Oakland, California ($150,000), sa Henderson, Nevada, at sa Kawayan Cove, Cavite at townhouses sa Alabang at Valle Verde.
Si Tuason kasama ang 21 iba pa ay kinasuhan ng plunder ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Office of the Ombudsman kaugnay sa Malampaya fund scam.
- Latest


















