^

Bansa

Affidavit ni Napoles ilabas na!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Oobligahin ng Whistleblowers Association ang Korte Suprema na atasan si Justice Secretary Leila de Lima na isapubliko ang affidavit ni Janet Lim-Napoles kasama ang listahan ng mga idinadawit nito sa multi-bilyong pork barrel scam.

Ayon kay Sandra Cam, pangulo ng grupo, maghahain na sila ng mandamus sa SC sa susunod na linggo.

Ani Cam, bukod sa gusto nilang maikumpara ang listahang hawak ni de Lima sa “pork list” na ibinigay sa kanila ng isang indibidwal na malapit sa pamilya Napoles, isinasaalang-alang din nila ang interes ng publiko.

Binatikos pa nito ang kalihim sa anya’y pagtatago ng katotohanan sa taumbayan.

Tiniyak ni Cam na  ipag­lalaban nila ang kanilang posisyon dahil sila ang liliit sa paningin ng taumbayan.

Hinimok na rin ng Whistleblowers Association ang ibang grupo na sabayan sila sa paghahain ng mandamus para maobliga ang administrasyong ilabas ang mga dokumento.

Nagpahayag na ng interes ang Scrap Pork Network sa pangunguna ni Atty. Michelle Estor kaugnay ng pagdulog sa SC bagama’t pag-aaralan pa nila ito.

Giit ng grupo, kaila­ngan nang mailabas sa lalong madaling panahon ang affidavit ni Napoles para malaman na ng taumbayan ang nilalaman nito.

Ani Estor, kung wala pang plano ang gobyerno na ilabas ang dokumento, sana’y hindi na muna ito binanggit ni de Lima.

Tutol naman sila sa napabalitang hirit ni Napoles na ibaba ang kanyang kaso para makapagpiyansa.

ANI CAM

ANI ESTOR

JANET LIM-NAPOLES

JUSTICE SECRETARY LEILA

KORTE SUPREMA

MICHELLE ESTOR

NAPOLES

SANDRA CAM

WHISTLEBLOWERS ASSOCIATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with