CGMA pinayagang magpagamot sa St. Luke’s
MANILA, Philippines - Pinayagan ng Sandiganbayan na makapagpagamot si Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa St. Luke’s Medical Center.
Ayon kay Atty. Medesto Ticman, abogado ni CGMA, sumailalim kahapon ang dating pangulo sa “urodynamic testing†na wala umano sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).
Bandang alas-2 ng hapon dinala sa St. Luke’s si Arroyo na sinamahan ng kanyang mister na si Mike at anak na si Dato. Dakong alas-3:30 ng hapon ng makabalik ng Veterans si Arroyo.
Si Arroyo ay naka-hospital arrest dahil sa mga kasong plunder at katiwalian kaugnay ng ZTE broadband deal at paglustay umano sa P360 milyong intelligence funds ng PCSO.
- Latest