Cedric, Raz mananatili sa NBI
MANILA, Philippines - Mananatili sa National Bureau of Investigation (NBI) detention facility sina Cedric Lee at Simeon Raz sa kabila ng commitment order na ipinalabas ni Taguig Regional Trial Court Judge Paz Esperanza Cortez.
Ayon kay Prosecutor General Claro Arellano, matapos ang pagdinig kahapon, binigyan muna ng pagkakataon ng korte ang kampo ni Lee at Raz na dinggin ang kanilang kahilingan na huwag matuloy ang paglilipat sa kanila ng kulungan.
Ang kahilingan ay ginawa ng kampo ng mga akusado dahil sa usaping pangseguridad.
Nagtakda naman ang hukuman ng pagdinig sa May 6, 2014 para talakayin ang inihaing mosyon ng kampo nina Lee at Raz na patuloy na manatili sa NBI.
Tuloy naman ang arraignÂment o pagbasa ng sakdal sa dalawang naarestong akusado ngayong araw, ganap na ala-1 ng hapon sa Taguig RTC.
- Latest