Hepe ng NDRRMC nagbitiw sa puwesto
MANILA, Philippines - Nagbitiw na sa puwesto si National Disaster Risk Reduction and Management Council executive director Eduardo del Rosario ngayong Martes.
Ayon kay NDRRMC spokesperson Reynaldo Balido naghain na ng resignation letter si Del Rosario kay National Defense Secretary Voltaire Gazmin nitong Abril 24.
Nakasaad sa sulat ni Del Rosario na hindi na kinakaya ng kanyang katawan ang bigat ng trabahong ginagawa sa state disaster response agency.
Hindi pa naman epektibo ang pagbibitiw ni Del Rosario dahil kailangan pa itong aprubahan ni Pangulong Benigno Aquino III.
Isa sa mga pinakamahirap na krisis na hinarap ni Del Rosario ang paghagupit ng bagyong Yolanda sa Eastern Visayas.
Inulan ng batikos ang NDRRMC chief dahil sa umano'y palpak na pagtugon sa kalamidad.
- Latest