Plunder vs Arroyo, anak ibinasura
MANILA, Philippines — Walang nakitang dahilan ang Office of the Ombudsman upang ituloy ang kasong plunder laban kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at anak niyang si Camarines Sur Representative Diosdado “Dato†Arroyo sa umano'y maanomalyang mga proyekto sa Bicol.
Inaprubahan ni Ombudsman Conchita Carpio noong Abril 22 ang 28-pahinang investigation report kung saan ipinapabasura ang kasong pandarambong kaugnay ng mga proyektong Libmanan-Cabusao Dam at Skybridge 1 at 2 dahil sa kawalan ng ebidensya.
Walang nakitang ebidensya ang Field Investigation Office ng Ombudsman na nagpasok ng pondo ang mag-ina sa naturang mga proyekto.
“The construction activities were not funded by Arroyo's social fund as president nor by Dato's Priority Development Assistance Fund or "pork barrel," sabi ng Ombudsman.
Nitong nakaraang taon isinampa ang kaso laban sa mag-inang Arroyo ng mga abogadong sina Roberto Guevarra, Renecio Espiritu Jr., Jose Aaron Pedrosa at Juliano Guiang.
Nagkakahalaga ng P700 milyon ng Libmanan-Cabusao Dam project na may habang 10.29 kilometro ngunit ipinatigil dahil sa posibleng epekto nito sa mga kalapit na kabahayan.
Naatantala naman ang paggawa sa P1.164 bilyon na Skybridge 1 at 2 dahil sa mga kinaharap na isyu.
- Latest