^

Bansa

Cedric Lee arestado!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nadakip na ngayong Sabado ang negosyanteng si Cedric Lee sa Oras, Eastern Samar kasunod nang pambubugbog sa TV host na si Vhong Navarro.

Nasakote si Lee kasama ang isa pang akusado na si Simeon Palma Raz bandang alas-11 ng umaga.

Nahaharap sa kasong grave coercion at serious illegal detention si Lee at iba pa niyang kasama dahil sa pananakit kay Navarro noong Enero 22 sa Forbeswood Heights Condominium sa Bonifacio Global City Taguig.

Kaugnay na balita: Walang piyansa: Arrest warrant vs Lee, Cornejo inilabas na

Walang piyansa ang kasong serious illegal detention na may kasama pang serious physical injuries.

Bukod kina Lee at Raz, dawit din sa kaso ang modelong si Deniece Cornejo, Ferdinand Guerrero at Sajed Fernandez Abuhijleh alyas “Jed Fernandez.”

Kaugnay na balita: Suspek sa kaso ni Vhong nais maging witness

Nitong Lunes ay inilabas ni Judge Paz Esperansa Cortez ng Taguig Regional Trial Court Branch 271 ang arrest warrant para sa kasong serious illegal detention.0

Naunang naglabas ang Taguig Metropolitan Court Branch 74 ng arrest warrant para sa kasong grave coercion kung saan maaari silang makapagpiyansa sa halagang P12,000 noong Abril 11.

Kaugnay na balita: Vhong nagtataka sa arrest warrant vs Lee, Cornejo

vuukle comment

BONIFACIO GLOBAL CITY TAGUIG

CEDRIC LEE

CORNEJO

DENIECE CORNEJO

EASTERN SAMAR

FERDINAND GUERRERO

FORBESWOOD HEIGHTS CONDOMINIUM

JED FERNANDEZ

JUDGE PAZ ESPERANSA CORTEZ

KAUGNAY

LEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with