^

Bansa

TRO uli vs power hike

Doris Borja/Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi pa rin maipatutupad ng Manila Electric Company (Meralco) ang big-time power rate hike nito matapos na muling palawigin ng Korte Suprema ang temporary res­training order (TRO) na ipinataw dito.

Sa pagkakataong ito, “indefinite until further orders” ang TRO na inilabas ng SC.

Nangangahulugan ito na hindi pa rin maaaring ipatupad ng Meralco ang P4.15 kada kilowatt hour (kWh) na taas-singil.

Disyembre nang unang maglabas ng TRO sa taas-singil sa loob ng 60-araw at sinundan naman noong Pebrero ng panibagong 60-araw.

Sa nangyaring deli­berasyon ng SC en banc sa summer session nito sa Baguio City, pinaboran sa botong 10, apat na kontra at 1 abstain ang petisyon ng ilang consumer at party-list group na pigilan pa ang paniningil.

Ikinatuwa naman ng Malacañang ang naging desisyon ng SC dahil ang electric consumer ang makikinabang dito.

BAGUIO CITY

DISYEMBRE

IKINATUWA

KORTE SUPREMA

MALACA

MANILA ELECTRIC COMPANY

MERALCO

NANGANGAHULUGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with