^

Bansa

NPC absuwelto vs GSIS

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakatakdang mag­hain ng kontra demanda ang National Press Club (NPC) laban sa Government Service Insurance System (GSIS) matapos ibasura ng Manila court ang estafa case na isinampa nito laban sa NPC officers noong 2008.

Sinabi ng kasalukuyang pangulo ng NPC na si Benny Antiporda, ‘vindica­ted’ ang NPC sa inilabas na March 17 ruling ni Branch 22 Regional Trial Court Judge Marino dela Cruz.

Ang nasabing kaso ay nag-ugat sa alegas­yon noon ni dating GSIS president Winston Garcia, na pag-aari ng GSIS ang NPC property sa Intramuros, na kinabibilangan ng lupa, gusali at ang pamosong Manansala Mural na idinisplay sa restaurant na nasa ika-4 na palapag ng NPC building.

Subalit sa panahong nanungkulan ang 2008 officers, sa pangunguna ng dating president na si Roy Mabasa, ibinenta ang mural na likha ng yumaong si National Ar­tist Vicente Manansala sa halagang P10 milyon para maipantustos umano sa gastusin ng samahan at maisalba na rin ang mural sa posibleng pagkasira.

Ginamit umano ang napagbilhan sa main­te­nance bills, habang ang P6M ay ginamit sa housing­ project sa Bulacan.

Sa pasiya ng hukom, hindi umano nakagawa ng krimen sa pagbe­benta ng mural dahil hindi naman sa personal na pa­ngangailangan ginamit ang pondo, maliban pa sa binanggit din ang kaugnay na kaso na dinesisyunan ng Court of Appeals (CA).

“We consider this decision as a vindication, a victory not only for the officers and members of the NPC, but for press freedom itself,” ani Antiporda.

“I guess it’s time to set the record straight, and turn the table against our accuser,” aniya pa.

Ang isyu umano sa kung sino ang tunay na may-ari ng NPC pro­per­ties ay nadesisyunan ng Supreme Court noong Agosto 13, 2012 na isina­pinal na rin pati ang pagbasura sa claim ng GSIS.

Dahilan ito para i-withdraw na rin ang reklamo ng Department of Justice na kumakatawan sa gobyerno, partikular ang GSIS.

vuukle comment

BENNY ANTIPORDA

COURT OF APPEALS

DEPARTMENT OF JUSTICE

GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM

MANANSALA MURAL

NATIONAL AR

NATIONAL PRESS CLUB

NPC

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with