^

Bansa

PAGASA: Maaliwalas na panahon hanggang Linggo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang sama ng panahon ang papasok sa bansa hanggang sa Linggo ng Pagkabuhay, ayon sa state weather bureau ngayong Biyernes.

Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na magandang panahon ang mararanasan sa buong bansa maliban sa mga pulu-pulong pag-ulan sa hapon o gabi.

Maaraw na bahagyang maulap na papawirin ang mararanasan dahil sa pananaig ng easterlies sa susunod na dalawang araw.

Sa inilabas na advisory ng PAGASA ay magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap ang kalangitan ng Hilagang Luzon na may pulu-pulong pag-ulan sa hapon o gabi.

Mahina hanggang katamtamang buga ng hangin mula silangan at hilaga-silangang ang iihip sa Luzon at Visayas, habang mula sa hilaga-silangan at hilaga-kanluran naman sa Mindanao.

Nitong nakaraang linggo ay inulan ang ilang bahagi ng Visayas at Mindanao dahil sa low pressure area na kalaunan ay naging si Bagyong "Domeng" ngunit wala naman itong direktang epekto bago pa man humina ulit.

BAGYONG

BIYERNES

DOMENG

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

HILAGANG LUZON

LINGGO

LUZON

MINDANAO

PHILIPPINE ATMOSPHERIC

VISAYAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with