5 pang Pinoy na-quarantine OFW patay sa corona virus sa UAE
MANILA, Philippines - Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isang Overseas Filipino Worker (OFW) ang nasawi matapos na tamaan ng nakamamatay na sakit na Middle East Respiratory Syndrome corona virus (MERS-CoV) at nakatakdang ipasailalim sa cremation procedure sa United Arab Emirates (UAE).
Tumanggi ang DFA na pangalanan ang nasabing OFW na nagtatrabaho bilang nurse sa isang ospital sa Abu Dhabi.
Sinabi ng UAE MiÂnistry of Interior na may limang Pinoy nurse pa na kasamahan ng nasawi at nakatalaga sa Rescue and Ambulance Section ng isang ospital sa Al Ain City ang ipinasailalim na sa “quarantine†sa ospital matapos na tamaan ng corona virus.
Nakamonitor ang Embahada ng Pilipinas at Labor Post sa Abu Dhabi sa kondisyon ng limang Pinoy na nasa isolation area matapos na ma-quarantine dahil sa nasabing nakamamatay na sakit.
- Latest