Visayas, uulanin dahil sa LPA
MANILA, Philippines - Binalaan ng PAGASA ang mga residente sa Visayas dahilan sa inaasahang malakas na pag-uulan at posibleng pagbaha kabilang na ang Biliran Island at Samar, habang mahinang ulan naman ang aasahan sa Cebu, Camotes Island, Bohol, Leyte at Southern Leyte.
Ayon sa PAGASA, bunga ito ng umiiral na Low Pressure Area (LPA) na dating si bagyong Domeng na patuloy na nananatili sa bansa.
Kahapon ay huling namataan ang LPA, sa 120 kilometro sa silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Patuloy namang sinusubaybayan ng PAGASA ang naturang LPA para malaman kung babalik pa ito sa kategorya bilang bagyo o tuluyan nang malulusaw ngayong linggong ito.
- Latest