Aviation safety rating ng Pinas ibinalik sa ‘Category 1’
MANILA, Philippines - Inanunsiyo ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na ibinalik na ng US Federal Aviation Authority (FAA) sa Category 1 ang aviation safety rating ng PiÂlipinas.
Ito’y matapos bumisita si US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg sa tanggapan ni CAAP Director General William K Hotchkiss lll, para ipaalam na puwede ng magdagdag ng mga bagong ruta ng eroplano ang Pilipinas para maglakbay sa Estados Unidos.
Dahil dito, pinapayaÂgan na ang lahat ng awtoÂrisadong eroplano ng Pilipinas na lumipad papasok sa Amerika nang walang mga restrictions o matinding paghihigpit.
Sa dating Category 2 rating, ang air carriers ng Pilipinas ay pinapayagan lamang na panatilihin ang kasalukuyang serbisyo sa US at pinagbabawalang magsagawa ng mga bagong serbisyo o magÂdagdag ng biyahe.
Kabilang sa mga giÂnawa ng CAAP upang magÂtagumpay na makuha ang Category 1 rating ay ang pagdadagdag ng mga technical experts, pagsaÂsanay sa mga airport personnel, at pagsaÂsaayos sa record keeping at insÂpection procedures sa mga paliparan sa bansa.
- Latest