Prostitution, human trafficking laganap
MANILA, Philippines - Ibinunyag ng grupong Gabriela ang paglaganap ng prostitusyon at human trafficking sa mga kababaihan sa Zamboanga partikular na sa refugee camp.
Sinabi ni Gabriela partylist Rep. Emmi de Jesus, hindi lamang kaawa-awa ang mga refugees na naipit sa sagupaan ng militar at MNLF-Misuari faction kundi lumaganap na rin ang prostitusyon at human trafficking sa mga kababaihan sa naturang lalawigan.
Puna ng kongresista habang abala ang gobyerno sa kasunduan sa pagitan ng MILF sa pagbuo ng Bangsamoro region ay napapabayaan ang sitwasyon ng mahigit 29 na libong pamilyang sadlak pa rin sa mga refugee camp sa Zamboanga City na hindi pa rin nakakabangon matapos ang nasabing kaguluhan.
Tinukoy ng kongresista na ang Joaquin Enriquez Sports Complex ang siyang sentro ngayon ng trafficking ng mga kababaihan at kabataan kung saan nagaganap ang transaksyon sa pamamagitan ng text messaging at doon na sa tent nangyayari ang mga pang-aabuso.
Nababahala rin ang mambabatas sa paglaganap ng sexually transmitted infections dahil sa pagpasok ng mga kababaihan sa prostitusyon.
- Latest