^

Bansa

Fake veterans tapos na kayo - PNoy

Rudy Andal at Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binalaan kahapon ni Pangulong Aquino ang mga pekeng beterano na tapos na ang maliligayang araw ng mga ito dahil hindi na nila maloloko ang gobyerno.

Sinabi ng Pangulo sa mensahe nito sa paggunita ng Araw ng Kagitingan kahapon sa Pilar, Bataan na patuloy na nililinis ng Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) ang listahan ng lehitimong beterano upang alisin na ang mga nagpanggap na World War ll veterans para lamang makakuha ng pension at benepisyo na kaloob ng gobyerno.

Anya, obligasyon ng gobyerno na kalingain ang mga beterano bilang pagkilala sa ginawang sakripisyo ng mga ito para sa bayan noong WWll.

“Ang masaklap nga lang po, sa listahan ng ating mga pensioner ay marami ang nakisali sa listahan at nakihati sa mga handog nating benepisyo, kahit hindi naman talaga sila tunay na mga bete­rano,” paliwanag ni PNoy.

Ayon sa Pangulo, sa pagpasok ng taong ito ay tuluyan nang naipatigil ang pagbibigay benepis­yo sa 22,534 accounts, habang 14,616 accounts naman ang nasuspinde. 

Pinalawak din ng Ve­terans Memorial Medical Center ang kanilang benepisyo para sa mga beterano, kabilang na ang mga serbisyong tulad ng cataract operation, coronary angiogram at cardiac bypass habang patuloy din ang pagbibigay ng edu­cational benefits sa mga dependents ng beterano.

Pinuna naman ni Sen. Antonio Trillanes IV na hindi pa agarang nai­patutupad ang Republic Act No. 7696. Kinikilala sa nasabing batas ang mahalagang papel na ginampanan ng mga beterano sa digmaan at ng mga retiradong militar pero ang ilan sa kanila ay namatay nang hindi napapakinabangan ang mga benepisyo dahil sa kakulangan ng pondo mula sa gobyerno sapagkat hindi nakasaad sa batas ang pagkukunan ng pondo.

Dagdag pa ni Trillanes, ang gobyerno ay naglaan ng P170 milyon noong 2010 at P2.9 bilyon noong 2013 para sa pagbabayad ng Total Administrative Disability pension ng mga beterano noong World War II na edad 80 pataas. Pero hindi saklaw ng nasabing appropriations ang lahat ng mga beterano, at hindi rin sapat ang halaga nito upang matugunan ang kabuuang obligasyon ng pamahalaan.

Sa Senate Bill No. 166 ni Trillanes, isinusulong nito ang dagdag benepis­yo sa mga beterano at retiradong militar gaya ng tulong pinansyal sa pagpapalibing at dagdag sa buwanang pensyon at tulong medikal sa Pinoy World War Veterans.

ANTONIO TRILLANES

BETERANO

MEMORIAL MEDICAL CENTER

PANGULO

PANGULONG AQUINO

WORLD WAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with