Recall election sa Puerto Princesa tuloy
MANILA, Philippines - Tuloy na ang recall petition laban kay Mayor Lucilo Bayron ng Puerto Princesa City, Palawan.
Sa en banc meeting ng Commission on Elections, sinabi ni Atty. Bartolome Sino Cruz, Jr., deputy execuÂtive director for operations (DEDO) na “sufficient†o nakamit ng petisyon ang lahat ng rekisitos upang matuloy ang recall election.
“Now therefore, the Commission on Elections, by virtue of the powers vested in it by the Constitution, the Local Government Code, as amended, the Omnibus Election Code, RA 9244 and other election laws, resolved, as it hereby resolves, to affirm the recommendation of the ODEDO as to the sufficiency of the recall petition filed against Mayor Lucilo R. Bayron of Puerto Princesa City, Palawan,†ayon pa sa bahagi ng resolusyon.
Nagsimulang gumulong ang petisyon sa PPC para sa pagpapatalsik kay Bayron sa puwesto noong nakaraang Disyembre na itinulak ng ilang mga grupo ng residente. Anila, “pabaya†umano si Bayron sa tungkulin, na dahilan daw upang tumaas ang insidente ng krimen sa kanilang lugar habang patuloy naman sa pagbulusok ang industriya ng turismo na pangunahing kabuhayan ng PPC.
Sa rekord, nakakalap ng kabuuang 40,409 lagda ang mga petitioners laban kay Bayron, na mas marami ng 21,074 lagda sa kailangang 19,335 lagda matapos ang ‘signature campaign’ noong Marso 12.
Ang pagpapatalsik sa mga lokal na opisyales batay sa recall election ay itinatadhana sa RA 9244 na ipinasa ng Kongreso noong 2004.
Batay sa proseso nito, pormal na ipaaalam ng Comelec kay Bayron ang desisyong tuloy ang recall election at puwede na ring isabay ang proseso ng beripikasyon sa mga pangalan at lagda ng mga sumali sa petisyon.
Nagpahayag naman ang en banc na posibleng masuspinde pansamantala ang ‘verification process’ dahil umano sa kawalan ng pondo.
Sa kabila nito, tiniyak ni James Jimenez, tagapagsalita ng Comelec, na hindi magiging isyu ang umano’y kawalan ng budget, ng makapanayam ito ng media.
“Lack of budget (should) not (be) an issue; we always have a ‘stand by’ budget for recall, plebiscite, etc.†sabi ni Jimenez.
Mayroon namang 20 araw si Bayron upang kuwestyunin ang buong proseso bago tuluyang itakda ng Comelec ang petsa ng halalan.
Bilang ‘incumbent,’ automatic umanong kasama ang pangalan ni Bayron sa listahan ng mga kandidato na ihahanda ng Comelec.
- Latest