LP bumuwelta sa oposisyon
MANILA, Philippines - Binuweltahan ng LiÂberal Party (LP) ang oposisyon kaugnay sa pagbuhay sa umanoy isyu ng extortion sa Metro Rail Transit (MRT).
Ayon kay Eastern Samar Rep. Ben Evardone na isa rin sa spokesman ng LP, may naamoy siyang hindi maganda sa planong imbestigasyon sa umanoy nasabing isyu.
Duda rin ni Evardone na isang fishing expidition in aid of 2016 election ang nasabing hakbang kayat pinipilit ng oposisyon na i-ugnay ang kanilang partido sa naturang kontroÂbersiya subalit mabibigo lamang umano ang mga ito dahil wala naman kiÂnalaman ang kanilang partido dito.
Sa kabila nito nilinaw naman ng mambabatas, na hindi kukunsintihin ng kanilang partido ang sinuman na sangkot na opisyal o miyembro nila sa anumang korupsyon kaya handa umano sila sa anumang imbestigasyon upang lumabas ang katotohanan.
Matatandaan na nagbabala si Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na ipapa contempt si DOTC Secretary Jun Abaya at MRT general Manager Al Vitangcol III sa sandaling hindi dumalo ang mga ito sa isasagawang pagdinig sa Kamara.
- Latest