^

Bansa

'Walang dahilan para magbitiw' - Bong

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maghahayin ng motion for reconsideration ngayong Lunes ang kampo ni Senador Bong Revilla laban sa desisyon ng Office of the Ombudsman na sampahan siya ng kasong pandarambong dahil sa umano'y pagkakasangkot sa pork barrel scam.

Sinabi ng abogado ng senador na si Joel Bodegon na walang kasalanan ang kanyang kliyente base na rin sa mga ebidensyang pinagbasehan ng Ombudsman.

"We are seeking, through this motion for reconsideration, for the Ombudsman to take a very serious look again at evidence on record and resolve to set aside its adverse resolution against Senator Bong Revilla," pahayag ni Bodegon sa isang panayam sa telebisyon.

Kaugnay na balita: Enrile, Estrada at Revilla pinagbibitiw

"Because from all the evidence on record, nothing actually holds Senator Bong Revilla liable for the crimes charged against him."

Iginiit ng abogado na inosente ang kanyang kliyente mula sa mga ibinabatong paratang.

"From the beginning, Senator Revilla maintained his innocence from all these charges. He does not find any reason for him to step down. He is elected by the people and he is answerable to the people," banggit ni Bodegon.

Kaugnay na balita: Ombudsman kakasuhan ng pandarambong sina Enrile, Revilla, Estrada at Napoles

Nitong nakaraang linggoy ay nanawagan ang mga organizer sa likod ng "Million People March" para sa pagbibitiw ni Revilla at ng iba pang sangkot na sina Senador Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada.

"In the face of overwhelming evidence, we are making an immediate call for the resignation of Senators Enrile, Estrada, and Revilla. This, too, is overdue. In other countries a mere hint of wrongdoing is enough for public officials to resign their posts," sabi ng grupo.

Naglabasan ang panawagan sa pagbibitiw ng mga mambabatas kasunod ng desisyon ng Ombudsman na kasuhan ang tatlong senador at iba pang personalidad.

Sinabi ng anti-graft court na nakakita sila ng probable cause para ituloy ang kaso sa mga mambabatas.

ENRILE

JINGGOY ESTRADA

JOEL BODEGON

KAUGNAY

MILLION PEOPLE MARCH

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

REVILLA

SENADOR BONG REVILLA

SENATOR BONG REVILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with