^

Bansa

Araw ng Kagitingan pangungunahan ni PNoy

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pangungunahan ni Pangulong Aquino sa Miyerkules ang paggunita sa Araw ng Kagitingan sa Mt. Samat, Bataan.

Sentro ng selebrasyon ang Mount Samat National Shrine sa Pilar, Bataan kung saan magtatalumpati ang Pangulo upang itanghal ang kabayanihan ng mga sun­dalong Pilipino noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ayon kay Communications Sec. Herminio Coloma Jr., gugunitain ang naging sakripisyo ng mga beterano na lumahok sa Death March sa Capas, Tarlac.

Dagdag pa ni Coloma, patuloy na pinaghuhusayan ng Kagawaran ng Tanggulang Pambansa sa pamamagitan ng Philippine Veterans Affairs Office ang paghahatid ng mga benepisyo sa mga beterano at sa kanilang mga pamilya.

Simula rin sa Araw ng Kagitingan, ilulunsad ang Bayani Challenge para sa mga kabataang boluntaryong tutulong sa pagbabagong tatag sa mga lalawigang nasalanta ng bagyong Yolanda, lindol sa Bohol at karahasan sa Zamboanga.

ARAW

BAYANI CHALLENGE

COMMUNICATIONS SEC

DEATH MARCH

HERMINIO COLOMA JR.

IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG

KAGITINGAN

MOUNT SAMAT NATIONAL SHRINE

MT. SAMAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with