Ombudsman Stylebook vs korap na pulitiko inilunsad
MANILA, Philippines - Inilunsad ng tanggapan ng Ombudsman ang “Ombudsman Stylebook†na magsisilbing desk reference ng mga abogado at imbestigador ng ahensiya bilang gabay sa grammar, punctuation at principles tungkol sa legal administration.
Sa pamamagitan nito ayon kay Ombudsman Conchita Carpio Morales ay matutuldukan na ang pagsasamantala ng mga pulitikong korap at nagpapasasa sa pera ng bayan.
Ang Stylebook ay bahagi ng programa ng Ombudsman at British Embassy-Manila na tinatawag na “rapid assessment at seminar on case analysis at legal draftsmanshipâ€.
Sa pamamagitan din umano ng proyektong ito ay higit na mapapabilis ang paglutas sa mga kasong naidudulog sa Ombudsman.
Mahigit isanlibong kopya ng stylebook ang ipamamahagi ng Ombudsman sa mga abogado at imbestigador ng ahensiya sa buong bansa.
Pinasalamatan naman ni Morales ang British Embassy bunga ng suportang naipagkaloob nito sa ahensiya para mapahusay ang kanilang pagkakaloob ng serbisyo sa publiko.
- Latest