Sa halip mag-leave JPE, Jinggoy, Bong hirit ilagay sa custody ni Drilon
MANILA, Philippines - Iminungkahi ng ilang mambabatas na isailalim na lamang sa kustodiya ni Senate President Franklin Drilon ang ilang senador na sangkot sa P10 bilyon pork barrel scam sa sandaling maglabas ng warrant of arrest and Sandiganbayan laban sa mga ito sa halip na mag-leave of abscence.
Ayon kay Northern Samar Rep. Emil Ong, maaari naman itong hilingin ni Drilon sa Sandiganbayan kung sakali o sa pamamagitan ng isang resolution upang makapagtrabaho pa rin sina Sens. Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla.
Matatandaan na inirekomenda na ng Ombudsman na sampahan ng kasong plunder sina Enrile, Estrada at Revilla.
Para naman kay Gabriela partylist Rep. Luz Ilagan, maaaring humiling sa Sandiganbayan ang tatlong senador na isailalim sila sa kustodiya ni Drilon habang isinasagawa ang pagdinig sa kaso.
Ginawa na umano ito ni dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo kung saan sumailalim din ito sa “protective custody†ni daÂting House Speaker Jose de Venecia Jr. walong taon na ang nakararaan.
Ngunit hindi aniya dapat ituring na ang protective custody para sa tatlong senador ay special treatment na naunang tinutulan ng Makabayan bloc na ibigay kay dating pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na ngayon ay naka-hospital arrest sa Veterans hospital sa Quezon City dahil din sa kasong plunder.
Ganito rin ang mungkahi nina Abakada party-list Rep. Jonathan dela Cruz, dahil nanatili pa rin umanong inosente ang tatlong senador.
Subalit para kay House Deputy Majority Leader at Cibac party-list Rep. Sherwin Tugna ang mungkahi nina Ong, Ilagan at dela Cruz ay pagbibigay na rin ng special treatment sa tatlong senador na malinaw umanong paglabag sa equal protection clause ng Konstitusyon.
- Latest