Protesta vs China ikinasa na ng DFA
MANILA, Philippines - Kinokonsidera ng pamahalaan ang paghahain ng panibagong protesta laban sa China dahil sa muling ginawang panggigipit at pagharang sa barko ng Pilipinas na magde-deliver ng pagkain at iba pang supply sa mga sundalong Pinoy na nakaistasyon sa Ayungin shoal noong Sabado ng hapon.
Ayon kay Department of Foreign Affairs Spokesman Assistant Secretary Charles Jose, pinag-aaralan na ng DFA ang paghahain ng diplomatic protest laban sa China dahil sa naganap na dalawang oras na stand off sa pagitan ng civilian ship ng Pilipinas at dalawang barko ng China Coast Guard (CCG) sa Ayungin shoal sa Spartlys.
Kinondena ng DFA ang ginawang panggigipit ng Chinese troops sa barko ng Pilipinas na layuning maghatid lamang ng supply sa mga sundalong Pilipino lulan ng sumadsad na BRP Sierra Madre sa Ayungin shoal simula pa noong 1999.
Idiniin ng DFA na ang Ayungin shoal ay bahagi ng continental shelf ng Pilipinas kaya may karapatan ito sa soberenya at hurisdiksyon sa nasabing lugar.
Pormal namang ipinasa ng Pilipinas sa arbitral tribunal sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ang “memorandun†o “memorial†na nagpapatibay ng claims o pag-aari ng Pilipinas laban sa China sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea o South China Sea.
Sa statement ni FoÂreign Affairs Secretary Albert del Rosario, ang “memorial†ng Pilipinas ay isinumite bilang pagsunod sa “Rules of Procedure†na binuo ng 5-member arbitral tribunal noong Agosto, 2013. Nagbigay ng hanggang Marso 30, 2014 ang tribunal para isumite ng Pilipinas ang nasabing memorial bilang bahagi sa paggulong ng kasong inihain ng Pilipinas laban sa China noong Enero 2013 kaugnay sa “nine dash line†claim ng huli sa South China Sea.
Sinabi ni del Rosario na ang memorial ay naglalaman ng 10 voÂlumes kung saan ang volume 1 ay may 270 pahina na nagsasaad ng pag-analisa sa batas, mga ebidensya at nagpapakita na ang arbitral tribunal ang may hurisdiksyon sa lahat ng claims na ginawa ng Pilipinas mula sa isinumiteng Statement of Claim nito kung saan lahat ng pag-aari nito ay “meritorious†o karapat-dapat.
Sa volume 2 ay nagÂlalaman naman ng documentary evidence at mga mapa na susuporta sa mga teritoryo na inaangkin ng Pilipinas sa WPS na nakasaad sa volume 1. Ito ay binubuo ng 3,700 pahina kasama pa ang mahigit 40 mapa.
- Latest