Kaso vs Tiamzons may probable cause – DOJ
MANILA, Philippines — Iginiit ng Department of Justice (DOJ) ngayong Huwebes na mayroon probable cause upang kasuhan ang pinuno ng Communist Party of the Philippines na sina Benito at Wilma Tiamzon ng illegal possession of firearms at explosives.
Inanunsyo ito ng DOJ matapos ang inquest proceedings sa mag-asawa na naaresto nitong Sabado sa Cebu.
Ang Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang naghain ng kaso laban sa mga Tiamzon.
Kaugnay na balita: Nakumpiskang ebidensya sa mga Tiamzon 'di itinanim - AFP
Sinabi ng mga awtoridad na nabawian nila ang mag-asawa ng tatlong pistol, dalawang granada, at isang revolver sa loob ng kanilang sasakyan nang arestuhin sila.
Pinabulaanan din nila ang sinasabi ng kampo ng mga Tiamzon na itinanim ang mga nakumpiskang ebidensya.
"Wala pong katotohanan 'yung mga sinasabi nila, 'yun ay palusot lamang nila. The fact remains na nakitaan po sila nito lahat," wika ni AFP spokesman Lt. Col. Ramon Zagala sa isang panayam sa radyo nitong kamakalawa.
Inaresto ang mag-asawa para sa 15 counts ng murder noong 1985 kung saan noong 2006 lamang natagpuan ang mga bangkay.
- Latest