MNLF suportado ang kapayapaan sa Mindanao
MANILA, Philippines - Suportado ng Moro National Liberation Front (MNLF) at mayorya ng mga pangkat na kanilang kasapi ang kampanyang pangkapayapaan ng pamahalaang Aquino sa Mindanao.
Inihayag ito kahapon ni bagong MNLF Chairman Datu Abulkhayr Alonto kasabay ng pagbibigay-diin na ipinagdaÂrasal din nila ang mabilis at maÂtagumpay na pagpapatupad ng mga inisÂyatiba ng gobyerno para manaig na ang pinakamimithing kapayapaan sa Mindanao.
Sinabi ni Alonto na nakipag-usap na sila, at malugod na tinanggap, ng pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) Central Committee sa pangunguna ng chairman nito na si H. Murad. Sumali na rin sila sa iisang consultative forum sa pagitan ng MILF at ng pamahalaang Aquino.
Pinabulaanan ni Alonto ang mga naunang ulat na may kinalaman ang gobÂyerno sa kaniyang paghalili bilang bagong chairman ng MNLF. “Walang kinalaman ang gobyerno at hindi rin namin binago ang istraktura ng MNLF bilang organisasÂyon,†wika niya.
Ayon pa kay Alonto, ang pagpapalit ng mga pinuno, lalo pa ng chairman at mga miyembro ng central committee sa kauna-unahang pagkakataon, ay normal lamang na gawain ng anumang aktibong organisasyon tulad ng MNLF.
Nakiusap din si Alonto sa publiko na huwag isipin ng madla na isinuko na nila ang lahat ng kanilang karapatan sa gobyerno ni Aquino.
“Isang matibay at pangÂmatagalang kapayapaan ang ating kailangan para lubusang mapaunlad ang Mindanao, hindi lamang para sa kapakanan ng mga taga-Mindanao kundi ng lahat ng Pilipino,†ayon kay Alonto.
Dagdag pa ni Alonto na ang kaniyang grupo ay aktibo nang lumalahok sa lahat ng pagkilos o hakbangin para magkaroon ng kapayapaan sa Mindanao mula pa noong 1976 Tripoli agreement.
- Latest