LGUs ng Lakas target ni Binay
MANILA, Philippines - Kasalukuyan umaÂnong nililigawan ni Vice President Jejomar Binay para sumanib sa bubuuin niyang bagong partido ang mga lider ng mga local government unit na miyembro ng Lakas-Christian Muslim Democrats na pinamumunuan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Sinabi ni UP professor at political analyst na si Popoy de Vera na isang istratehiya ng kampo ni Binay ang pag-awit sa mga miyembro ng Lakas-CMD. Kahit pa anya negative endorser si Arroyo, malaking bagay ang makinarya nito para sa kampanya ni Binay sa presidential election sa 2016.
Sinabi pa ni de Vera na ang pagtatalaga ni Binay kay Senador JV Ejercito para pangasiwaan ang pakikipag-usap sa mga lider ng pamahalaang lokal at ang pakikipag-usap nito sa Lakas-CMD ay malinaw na indikasyon na malaking pabor o tulong ang maidudulot ng partido ni Ginang Arroyo sa kandidatura ni Binay. Si Arroyo ang chairman emeritus ng Lakas-CMD.
Idinagdag pa ni de Vera na batid ng kampo ni Binay ang kasaysayan ng Lakas-CMD na mula pa noong 1998 ay palipat lipat ang mga miyembro nito sa ibang partido gayunpaman ang katotohanan umano ay sa kabila ng exodus ng mga miyembro nito ay maituturing pa rin itong relevant political party at nanatiling malakas lalo sa local level na siyang puntirya ni Binay.
Sa kasalukuyan ay mayroong dalawang seÂnador, 28 congressman, 12 governors at 120 mayor ang Lakas.
Ayon sa political analyst, marami pa ring sympathiser at tagasuporta si Arroyo kahit bumagsak ang kanyang popularidad at nakasuhan ng plunder.
- Latest